EARN MONEY JUST BY VIEWING ADVERTISEMENTS

Tuesday, June 01, 2004


ang bahay ni lola... at lolo

----------------------------------

eto ang asteeg na bahay nina lolo at lola, ang mga magulang ni mama ko. pinsan ko lang ang mag-isang nakatira diyan ngayon. patay na kasi si lolo, last 2002 pa. wala nga ako dito sa pinas noon. kasalukuyan ko kasing inaayos ang application ko sa school noon sa singapore. di ko man lang siya nakita kahit sa huling sandali [mag-drama daw ba dito!]. eh si lola naman, bakasyonista ngayon sa singapore. alam ko nahihirapan na rin siya sa kalagayan niya. maysakit kasi siya.

asteeg ang haybol na ito sapagkat pina-renovate yan ni tita. ilang beses nang pinabendisyunan sa iba't ibang klaseng pari, pero meron pa ring nakikitira. wala namang kaso sa akin yun. yung mga bisita lang kasi ang type nilang pagtripan. hehehe

----------------------------------

No comments: